Alam mo ba iyong kakasampa pa lamang sa tarangkahan ng
aming paaralan ay idineklara na ng aking kaklaseng laging bukas ang presensya kapag
sinabing wala ang propesor? Kamag-aral este kamag-pasok na
halos magsisigaw sa tuwa, samantalang ako… dismayado, basa ng pawis,
nakalimutan ang panyo ay pinagpatuloy ang paglalakad patungong silid-aralan
upang pumirma sa attendance sheet – ang pangunahing papel na kinasasabikang sulatan ng
mag-aaral este mag-papasok sa eskwelahan. Ako nga pala si Beatrice.
Maingay sa gawing
kanan . Pabulong kong kinakausap ang aking sarili. baka may event na naman
“Haay, di na naman magpapauwi to, for sure, sasabihin
required” inuusisa ko kung
maganda ba ang palabas sa entabladong inihanda nila…
“Engrande ang pagkakaayos, hmm siguro mga HRM students
ang nag-ayos” may sumingit na
nakaka-inlab na boses
Napawi ang atensyon
ko sa magulong event sa iskul, napatingin ako sa magandang mukha ng isang
binatang ito… Sino sya? Nawala ako sa
realidad ng ilang sandali.
“Ay pasensya na, singit ako ng singit sa pag-iisip
mo.. ako nga pala si Stephen”
“Ah.. eh Beatrice,
bea.. for short” sabay ngiti ng pagkakilanlan
“Anong meron Stephen? “
“ Hindi ko alam, ang gusto ko lang umalis dito sa
iskul, gusto kong gumala”
Muntik ko ng makalimutan
ang attendance, “Sige Stephen,
mag-aattendance pa ko eh, salamat”
Nakita ko ang
pagkagulat na itsura ni Stephen. May nasabi ba akong mali? Bakit ganuon na
lamang ang kanyang pahuling usap sa akin?
Lumabas ako ng
campus, sayang ang bente peso na pamasahe sa sandaang pisong bigay ng erpats
ko.
Nag-aabang ako ng bus
sa may kanto, sa 7 eleven tapat ng ABE, naruon kasi ang sakayan, papuntang SM
Manila. Gagala muna ako.. a la una y media pa lang naman. Mausok ang paligid
halos lahat ng tumatawid ay nakatakip ang bibig. Ayaw mausukan. Ayaw mapawisan.
Naisip ko lang Private school eh, 150
baon.
Pinara ko ang isang G
Liner na may sign board na QUIAPO, sumakay ako. Bahagyang siksikan. Naghanap
ako ng puwestong maari kong upuan. Lahat ng tao’y titingin sa’yo na parang may
ginawa kang krimen, ito ang eksena ko kapag laging sasakay ako sa kahit anong
pampublikong sasakyan.
Paandar na sana ang
bus nang biglang bumukas uli ang pinto.
“Init grabe… “
Si Stephen!
Nagsimula na pa lang
umandar ang sinasakyan namin ng hindi ko nararamdaman, nakuha na naman nya ang
atensyon ko ng di ko namamalayan.
Papalapit siya patungo sa kinauupuan ko, mapula kaya ang mukha ko? Pakiramdam
ko’y nag-iinit ito. Hala nakakahiya.
“Uy bea! Ikaw pala yan saan punta mo?”
“Sa SM.. “
“aah, ano gagawin mo dun?”
“waley lang, pasyal lang”
“gusto mo samahan kita?”
“hmm, sige..”bahagyang uminit na naman ang pisngi ko.
Lumingon ako sa aking katabi, isang
matandang babae, balot na balot ng blusa at may nakapatong na jacket. Tipikal
na makikita mo, maraming bag na dala at may hawak na rosary sa kanang kamay.
“Lola? Ok lang ho ba kayo?”
“Ayos lang ako…
Nakakaramdam lang ako ng pagod”
“Saan ho ba kayo bababa?”
“Duon pa sa Quiapo.. ako’y magtitinda ng mga
rosary, brown scapular, ayon.. pasensya
ka na gusto ko muna ipahinga ang lalamunan ko’t mahalang ang nakain kong mani”
Di ko masyadong naintindihan ang
sinabi ng matanda sapagkat napukaw ang atensyon ko sa paparating na konduktor
at sa kalansing ng mga barya sa kanyang mga palad. Lalo pang umingay dahil sa
lakas ng chismisan ng tatlong babae at isang binabae na kung saan ay na-ispatan
ang isang binatilyong taga-FEU, patusok ang buhok bagay na pag may nalaglag na butiki…
PATAY!
Sa gawing harapan
nama’y mga construction worker, paano ko nalaman? Dahil sa bakas ng sementong
namumuo sa dirty white nitong damit, at nakaback pack na diesel kulay
camouflage.
“Ha? Ano yun lola?”
“Nye tulog na… di mo man lang napansin?” Narinig ko ang mapagbirong tinig ni Stephen
“Ah..” bahagyang nakangiti ang aking labi.
Bumaba ang karamihan sa may
papuntang recto, lumuwag ang espasyo ng bus, lumipat kami sa kabilang pwesto na
pandalawahang upuan, duon ako sa malapit sa bintana sapagkat ang pakiramdam ko
ay protektado ako at walang masyadong pumapansin. Isa kasi akong introvert
ngayon lang ako nagging palagay sa lalaki – kay Stephen. Nang anu-ano’y…
EEEEEkkkkkkk! Nag-preno ng pagkalakas lakas, ramdam mo ang pwersa
upang mapigilan ni manong drayber ang aksidente, kinabahan ako, nahihilo…
nauntog ang ulo ko sa salamin.
“bea? Bea… bea..” may naririnig akong tinig, si Stephen!
“araaay.. ang sakit ng ulo ko, magkakabukol ata ko” nanghihina ako habang binibigkas ko ito, masakit.
“sige, hihilutin ko..”
noong mga sandaling iyon, nahawakan ni Stephen ang buhok ko, ako’y nahiya
bagama’t gusto ko din ito.
“hmm, ayos na” hindi ko alam kung namumula na ba ako o hindi. Nakakahiya!
Malapit na rin naman
kami sa aming destinasyon, huminto ng mahinahon ang bus at tumingin ako sa kasasakay
na pasahero… Nakasumbrero, naka-jacket na denim blue at may balbas. Umupo ito
sa harapan. Napansin kong tumingin samin ito at ngumiti. Ako’y muling nahiya
pagkat baka akala nitong manong na ito ay KAMI ng lalaking katabi ko ngayon.
“Malapit na tayong bumaba.”nakangiting sabi sa akin ni Stephen
“Ano nga pala ang course mo Stephen?”
“HRM”
Ah kaya pala pinuri nya kanina yung stage.. hmmp.
Segwey
“eh ikaw?”Tugon pa uli ni Stephen
“ComSci”
“Uy… halos lalaki nag-eenrol nyan ah, ingat ka sabihin
mo sa akin pag may loko-lokong umaaligid sayo”
Anong ibig sabihin ni Stephen dun?
“Ahm Stephen, may girlfriend ka? Baka naman magalit un
kasi kasama mo ko”
“wala, strict ang parents” Pabirong sagot
ni Stephen halata mong may lihim na pagtawa ito, marahil pinagtatawanan na ko
ng lokong ito.
“ikaw?”
“Uhm? Girlfriend?” Windang kong tanong
“HAHAHAHAHA! Hindi! Boyfriend syempre, niloloko mo ba
ko?” Halos pagtinginan na kami sa lakas ng tawa
nya. Tinakpan ko ang bibig nya.
“sssssh! Wala! Ang ingay mo naman tumawa eh”
“patawa ka kasi eh.. buti naman wala ka boyfriend” Habang pinipigilan nya ang palabas na nyang pagtawa
Ano na naman ang ibig nyang sabihin dun?
Pinagpapawisan ako
marahil mahina iyong aircon o di kaya sa huling katagang binitiwan ni Stephen.
Sobrang init. Napatingin ako kay Stephen… Namumutla ito at pawis na din.
“Stephen? Ano nangyayari
sayo?
“May asthma ako,
pakikuha sa bag ko, bulsa sa may unahan yung gamut ko” Bahagyang humahangos ang
kanyang hininga. Natataranta ako.
“Eto ba?”
“oo, ipasok mo sa
bibig ko tapos ipress mo yung itaas”
Ipinasok ko ang gamot sa bibig nya
isang bagay na pag itinulak mo ang maliit na botelya sa taas ang maglalabas ng
hangin na maaring magpagaan ng kanyang pakiramdam.
“Ok ka na ba?”
“Oo, salamat Bea”
niyakap nya ko. Nagulat ako bakit may ibang klaseng kaba ang nararamdaman ko.
Masaya ay hindi.. Masayang masaya ako.
Pababa na kami ng bus
hinawakan nya ng kamay ko nakatingin ako sa dinadaanan ko sa ibaba. Nang
biglang nagsigawan at may isang malaking boses na nagsabi na HOLDAP TO! Mahigpit ang pagkakapit sa
akin ni Stephen. Nararamdaman kong parang may nilalabanan siya. Tinulak nya ko
papunta sa isang upuan. Nakapikit ako at tinakpan ang tenga ko.
Nagsigawan ang lahat,
tumili at nag-iiyakan.. pag dilat ko may dugo sa paligid ko, ang luntian bus na
ito… nabalot na ng pulang dugo.
-END-
Ito ang aking lahok para sa SARANGGOLA BLOG AWARDS
No comments:
Post a Comment