Saturday, May 28, 2011

twin.tie.sticks


I'm only up when you're not down
Don't wanna fly if you're still on the ground
It's like no matter what i do

Well you drive me crazy half the time
The other half i'm only trying
To let you know that what i feel is true
And i'm only me when i'm with you

Friday, May 27, 2011

Kalapating mababa ang lipag: Si Mirasol (Pahina 3)

Kwento ni Mirasol:

" Ang totoo kong pakay sa Maynila ay makapag-aral sa isang Unibersidad ng sa gayon ay matulungan ko ang aking pamilya. Noong una'y maganda ang naging buhay ko, ngunit hindi ako makatanggi sa mabibisyo kong mga barkada, kung saan saan ko nagagastos ang buwan-buwang sustento sakin ng aking magulang na halos magutom at makuba na sila sa pagkayod... Alak, Sigarilyo, weeds, bato. Dumating din sa puntong tumigil ng pag-aaral si Jun Jun, dahil sa akin. Naibenta na pala nila lahat ng kabuhayan, mga hayop at lupa. Natauhan ako, bigla kong naisip ang mararamdaman ng aking ina at ama na alam kong di malaman ang gagawin kapag iyon ay nalaman. Kaya nagsikap ako, nagtrabaho kahit di ako makatapos ngunit pipilitin ko kung makakaipon ng sapat. Halos lahat ng makukuha kong sobra sa aking bayad, ay ibinibigay ko sa pamilya ko. Kelan ko kaya mapagtatapat na tumigil na ako sa pag-aaral? Natatakot akong makita sila na dismayado sa kalagayan ko ngayon.. hay. "




 "Mira.. Ikaw na sunod, galingan mo ah! Madami tayong costumer"...Manager
 "opo.."...Mirasol




 Lumabas si Mirasol na may Tabon Tabon ang kanyang buong katawan. Aminado syang nakakahiya ang kanyang trabaho. Isang nagbibigay aliw, init, panadaliaang ligaya sa lalaki, isang pu*a. Paglabas nya sa tanghalan ay unti-unti nyang hinubad ang madilim na katotohanan.


 "Wooh! Alisin mo na yan!"
 "Take it off!"
 "Wooh"


Halos mabingi sya sa nakakaasiwang tinig ng uhaw na mga lalaki. Gusto na nyang umalis ngunit hindi maari dahil nakatingin sa kanya ang may-ari ng cabaret, na kapag umalis sya dun ay di na sya makakabalik. Natatakot syang mawalan din ng Trabaho, kaya sige ang giling nya. Nagpaikot-ikot sa poste, nagpagulong gulong. Nang biglang..




 "Mirasol!"




 Itutuloy..

Monday, May 23, 2011


My wish, for you, is that this life becomes all that you want it to,
Your dreams stay big, and your worries stay small,
You never need to carry more than you can hold,
And while you're out there getting where you're getting to,
I hope you know somebody loves you, and wants the same things too,
Yeah, this, is my wish.

Monday, May 2, 2011

i think..


Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you I had no control over.




Wednesday, April 27, 2011

Kalapating Mababa ang Lipad: Ang Kamunduhan

Biglang sumikip ang dibdib ni Mang Yalong, dahilan kung bakit sya'y tumumba sa kinauupuan..

  "Ay naku! ang majonda! Mga Atech!!"...bugaw
  "Painomin nyo yan basahan na iyan, ayaw ko iskandalo bar ko. Mga inutil na Pilipino! Hala sige"...May-aring Tsino (Paki-aplay na lang ang aksent ng Chinese kapag nananagalog)
  "Sir, Ma'am ok na ho, pwede na ho kayong bumalik sa kinauupuan nyo."...Bouncer
  "Ay naku seerr! I will (ano bang english nun?) uhm, ahh let's go to room where.. uhm there are joys and heaven.."...Prostitute
  "ha? ano?.."...Mang Yalong (nanlalabo ang paningin)



 Hindi namalayan ni mang yalong na syang nasa loob na ng isang lugar aliwan ng mga pumuntang lalaki sa Cabaret na tinatawag ng Tsinong may-ari na isa daw "BAR"
 Nang naimulat nya ang kanyang mata. Nagulat sya sa kanyang nakita isang babaeng nagbuburles na halos wala ng natatakpan at ang nakakapag-bigay dignidad na lamang sa kanya ay ang malinis na pag-iisip ni Mang Yalong at ang madilim na aninong gawa ng Malamlam na kulay ng ilaw.


 Halos pigilan ni Mang Yalong ang nagbabaga nyang makiramdam, na halos tinatapakan ang kanyang pagkalalaki ng hubad na Dalaga, Dalaga nga bang maituturing ang babaeng iba-iba ang kasiping at hindi mo malaman kung ilang pampalaglag ng bata ang kanyang ininum na parang nagpupurga lamang ng duming naipon sa tyan. Dumi ng mga lalaking kanyang naisiping dahilan na rin sa mga kamunduhan at dala ng init ng katawan. Sa murang edad na Labing Apa't na taong gulang ay naging alipin na ng inip at hirap sa buhay upang makaraos. At hindi na mawari kung sino ang dapat sisihin.. Sino nga ba ang dapat sisihin?


 ....


  Ngunit sa mga oras na iyong hindi na nagawa pang pigilan ng dalawa ang kanilang mga init. Hindi na..
  HIndi na naisip ni Mang Yalong na paano kung ang anak nyang si Mirasol ang nilalamon ng kamunduhan tulad ng ginagawa nya sa babaeng patong-patong nya. Nakalimutan na nya ang sulat... sulat na nakahandusay sa sahig. 


  Nilamon na rin ang inosente nyang pag-iisip?
....


    Sya'y napagod.. nakatulog.. at tila walang rason upang bumangon sa mainit na papag.


zzzzZZZzz


 "Pasensya na Ser, kelangan ko ng pera kaya kukunin ko ung, ahmm (habang kinakalikot ang pitaka ng Matanda).. Anak ng! 500?? hay naku! Kesa sa wala"...prostitute
"Makaalis na nga, wala na namang mahihita, bigyan ko nga ng isang daan, mukang wala ng pera to! Punyeta.. Kung hindi lang ako mabait"




 itutuloy...


Sunday, April 24, 2011

Kalapating mababa ang lipad. By: SMCS

Sa isang malaking bulletin board: BODY FLUIDS

   Tila napaisip si Mang Yalong kung ano ang ibig sabihin nito. Bagama't sya'y nakakaintindi ng kaunting ingles, ang inakala nyang isa lamang itong tindahan ng maiinom dahil na rin sa salitang "fluids." Ngunit sa kanyang inosenteng mga tingin ay tila manghang-mangha sa makukulay na ilaw na patay-sindi at sa bawat kislap nito'y nag-iiba ang kulay. Ngunit ang kanya lamang sana na nais ay mahanap ang kanyang Dalagang anak na si MIRASOL na nag-aaral sa Maynila.

     "sir, psst.. Gusto nyo ba ng bata?" sabi ng bugaw
     "ay.. utoy, ang nais ko sana'y inumin hindi bata. Ako'y may anak na."wika ni Mang Yalong. Na tila hindi pa rin maintindihan ang punto ng bugaw
     "ay sir! Hindi po ako utoy, may patutoy pero hindi. Babae ako. Atsaka madaming dumadayong uhaw dyan... Uhaw na uhaw (sa kalibugan)"...Bugaw. Na tinatago ang kanyang pagkatao gamit ang packaging tape
     "Ha? Ano ngani ang sinabi mo?"...Mang Yalong
     "ay wala po, gora na! Wa na pachurva pa"...Bugaw


  Hindi na nagawang mapahinto ang kuryosidad ni Mang Yalong, dahil bago lamang sya sa tinitingalang lugar ng maraming probinsyano, na ang tanging hiling lamang ay makakita ng nagtataasang gusali. Liban ngalang sa kanilang paniniwala ang nakakasulasok at nakakdismayang pangyayari sa estero ng nagtataasang bente sinkong palapag na gusali.


  Pag pasok ni Mang Yalong siya'y nagulantang sa napakalakas na tunog ni:
JUSTIN BEIBER
BRUNO MARS
JESSIE J
LADY GAGA
KATY PERRY
B.O.B
...Beybe beybe beybe, oww layk beybe beybe beybe oww...


    Halos mabago na ang kanyang GENRE dahilan na rin sa nakikisabay ang kanyang pagiging inosente sa bawat yugyug ng mga ulo ng mga narorooon.

   alas nuebe pa lamang iyon ng gabi. Masyado pang maaga para sa mahilig gumimik..

Pinaupo ng Bugaw si Mang Yalong kung saan mataimtim nyang binabasa ang sulat ng kanyang anak...


Mahal kong itay,


    Pasensya na ho kayo kung ngayon lamang ako napasulat sa inyo, marahil ay ubod ng rami nga lang ho akong proyekto at mga assignment na ginagawa, ang assignment po ay iyong pinapagawa ng guro sa bahay.

  Sya nga pala ho itay, Sana po ay mabuti kayo dyan ni Nanay... Sana po ay hindi kayo napaano dyan ni inay. Kamusta po si Jun Jun? Pumapasok na po ba? Sabihin nyo po sakin kung kelangan nyo ng pera upang pagpapa-aral sa kanya, ako po ay nakaluwag luwag na dahil ako po ay may trabaho na at malaki po ang kita dahil Opisina po iyon.

  Mahal na Mahal ko po kayo itay.. alagaan nyo po yung TV na pinadala ko at ung psp ni JUN JUN pakisabi pong wag sirain at iyon ay mahal. Salamat naman po ay nakakaraos rin po rito. Matataas naman po ang marka ko marami po akong UNO.

  Alagaan nyo po ang sarili nyo.


Nagmamahal,
Mirasol


Muling tumulo ang luha ni Mang Yalong.


itutuloy... 

Thursday, April 7, 2011

Sino nga ba?

UTOT! UTOT! ang sabi ng puwet,


Anak ng Jueteng naman! ambahoo!... Yan ang palagi mong maririnig sa kahit anong espasyo na pwedeng maamoy ang nakakasulasok na hangin na nanggagaling sa gluteus maximus (naks! eng-lis) ay este gluteus medius ( nakorek pa ko ng nurse)
ngunit sino nga ba ang may pakana nito? simpleng tanong ngunit hirap masagot.


    kung babalikan mo ang mga panahong nasa paaralan ka at ito, as in ito ang isa sa pinakamahirap na tanung na maisusumbat sa'yo kahit hindi ikaw ang may sala... sabi pa ng mga eksperto daw sa pagkilatis kung sino nga ba? ang may pakana... ito ang ilang kategorya na sya nga ang may sala:


1. Sya ang unang nagreact, tapos wala pa naman ung amoy. huli!
2. Pangalawa, sakit-sakitan "May sipon ako e"
3. Denial-effect, aba, malay ko! hindi ako ah, kung makapanglait ka ah! kapal mo... kapal...
4. pag inaangat nya ang kanyang pwetan upang mailabas ang nakaka-adik na amoy
5 pag humawak sya sayo o kahit saang matigas ng parang may higpit upang pigilan ang dapat pigilan. at sasabihing, tol, wala I'm just you know.. hehe.
6. Kapag ang lakas mag-chewing gum ng ilang oras, hindi nya alam punong-puno na ng hangin ang tyan nya.. Buset! at aalukin ka pa ng you want some? it's chewy..
7. Kapag ang lumabas na amoy sa kanyang *tutut ay kahalintulad ng kinain nya kaninang recess or umaga... (syyeet! pano kapag durian.. wala na ang PILIPINAS 3000)


isipin mo para kayong nasa Husgado sa kaka-akusa kung sino nga ba?


meron tayong..
    
  susmeyong suspek
     judge
      mga saksi
         mga second demotions 
          at ang mga useserong tanga


suspek- yan yung mga nagawa ang ilang makapigil hiningang kategorya (ung nasa taas)
judge- yan ung tagalitis, minsan yan ung presidente ng klas o kaya ung pinakamatalino... ung ultimo kabet ng nanay ng katabi ng katabi mo ay alam nya.
mga saksi- eto ung mga seatmate syempre
2nd demotions- to naman ung mga nagkukunwaring may alam, kadalasang tulog o walang tapos kapag may naiboto tsaka lang magtataas bg kamay..
at ang mga useserong tanga- eto naman yung kapag may nangyari aba'y ang bilis maglabasan, pero sa recitation tagong-tago.




ilang beses na kong nakakakita at eksperyensa ng mga kasong ganito...
 noon una pa nga'y isa rin ako sa mga naging suspek... malay ko ba na parehas kami ng kinain ng isa pang naging suspek..


   I just keep myself in silence... (wow parang totoo)




     masyadong nakakabuset kapag nakakasira ng araw ang nakakasulasok na amoy. Lalo na sa isang mainit na lugar at singkwenta kayong mga estudyante na nagsisiksikan sa silid aralan ng isang public iskul, at makakaamoy kayo ng ganun sabay ngiti pa ng katabi mong may aaaangheet! owww siiiyeet! Kawawang ilong hindi na malaman ang paglalagyan.


hindi mo naman masabi, 
"Uy pre hayaan mo naman akong makahinga, 5 seconds lang, gusto ko pa ng life maawa ka naman"

 eto lang masasabi ko.. (FART)

   " Andyan na, Andyan na hindi pa makita "


Sa mga taong patuloy na gumagawa nito...

" Kung hindi ka ngayon magsasalita? Kelan pa? "



-end- 








noong unang panahon: ang literaturang Lintek!

Pag-Ibig 
ni Jose Corazon De Jesus

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!
Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;
pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . .  naglalaho,
layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,
parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiiman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,
walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag ibig na matapang ay puso ang inaanod
pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan
iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,
pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,
umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa.
Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha
at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag,
ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulakiak.
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,
o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid.
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,
at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

 noong mga panahong nasa Third year highschool ako, where I'm having one of the best years of my life kung saan proud sakin mga magulang ko at ilang kapinsanan dahil naging mataas ang aking rank sa iskul. Ngunit siguro hindi ako pinalad noong forth year at ang dami pang nangyari, naging thankful pa rin ako dahil binigyan ako ng pagkakataon upang maramdaman ang samu't saring kaalaman, kwentong balbal, kaepalan sa buhay, at kung anu-ano pa.

si JOSE, pilipino, manunulat, a.k.a JOHN
 sa totoo lang naging paborito kong guro noon si Titser Casuga, kasi kahit alam ko hindi ako ganun kagaling sa kung anek-anek na task na binibigay nya, nagawa pa rin nyang magtiwala sakin. Ewan ko nga e hindi ko nagiging kaclose ung mga titser ko pero ung mga ST (student teacher) nagiging kaclose ko, pwera lang sa math. shh
nauso pa nga noon kung ano ang pwedeng itawag sa mga sikat naming guro.. Merong si Kingkong, Golem, epal, shuktong at kung ano-anu. Ang sarap nga gawing pelikula, kumpleto ang characters! papatok!

at habang naglelesson sa math akala mo e nagsosolb, yun pala nag-SOS at rubiks kyub. Naging journalist, web designer, scientist pa nga ko noon, kaya hindi ko alam kung ano ung kukunin kong course hanngang mapunta ako sa HOTEL AND RESTAWRAN MANAGEMENT. Na lubos na malapit sa lahat ng naging identity ko noong hunger years ay este younger years. 
Pero aminin ko man o hindi..(eto na nga e inamin ko na)
lahat yun may partner ako, at hindi rin pinalad sa ilang organisasyon na dapat may naiwan man lamang akong kaunting bakas. (oh ang drama ang drama kaatsar)

3rd year and 4th year ko lang naintindihan ang salitang akda at hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga tekstong ekspositori, narativ, persweysiv, informativ at kung anu-anong tivs.. kahit anu pa man un
   
itutuloy muli...


  

Wednesday, April 6, 2011

noong unang panahon.

sa totoo lang nag-aalangan pa ko kung gagawin ko to o hindi ( parang telenovela sa tv, ang drama ). Sa totoo lang hindi ko alam paano magsimula ( ang arte! ) pero eto na.. eto na,, ahhh.. malapit na ( green minded!)

Naalala ko si Sir Bob Ong, dahil sa kanya naging maarte ako ng ganito. eeh! tsasi naman e!
nainspire ako sa mga pinagsusulat nya at mga payo nya na naging dahilan ng pagkaleche leche ng buhay ko! (joke lang haha)

Bakit ko nga pala ginagawa to ngaun? aba'y ewan..Kung hindi sana nung unang panahon kung hindi nauso ang literatura, edi sana hindi ako nahihirap magtype ngayon at magiisip ng ikukwento ( joke lang uli)

back went i was playing a jakenstong (jack and stone)


noon pa man ay naengganyo na ko na sumali sa Journalism na hindi ko man mawari kung bakit? Nakalimutan ko kung bakit.. it was when magellan travel along the coast and boom! Philippines is discovered! 
sus! nung elementary ako? ano ba namang malay ko? sumali lang ako dun dahil sabi nila... malalaman ko daw ang pinakamahabang word sa dictionary ang.. supercalifragilisticespialodocious, sabi ko tuloy sus, tingin ka sa label ng shampoo sa may contents, ang dami kayang mahahabang word.. tulad ng Ethyldimonium Ethosulfate, stearyldimoniumhydroxypropyl or hydroxypropyltrimonium... at angnagbabasangayonnitoayuto-utoatmatatawasyabiglasasarilinya.


wala nga kong ginagawa nun kung hindi idrawing ang titser na nagtuturo sa'min.. inaantok ako sa mga sinasabi nya marahil hindi ko pa talaga gusto ang pagsususlat dahil sa totoo lang, paano ako gaganahan kung wala naman  syang maibigay na task sa akin, at isa lamang akong "panakip butas" kapag walang nagawa ang editor.


"ang naramdaman ko nun ay para akong isang pambura.. taga-salo ng pagkakamali ng iba, at walang karapatang makapagsulat..."


 doodle




itutuloy...
(liligo na kasi ako hehehe)