Thursday, April 7, 2011

noong unang panahon: ang literaturang Lintek!

Pag-Ibig 
ni Jose Corazon De Jesus

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!
Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;
pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . .  naglalaho,
layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,
parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiiman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,
walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag ibig na matapang ay puso ang inaanod
pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan
iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,
pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,
umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa.
Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha
at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag,
ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulakiak.
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,
o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid.
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,
at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

 noong mga panahong nasa Third year highschool ako, where I'm having one of the best years of my life kung saan proud sakin mga magulang ko at ilang kapinsanan dahil naging mataas ang aking rank sa iskul. Ngunit siguro hindi ako pinalad noong forth year at ang dami pang nangyari, naging thankful pa rin ako dahil binigyan ako ng pagkakataon upang maramdaman ang samu't saring kaalaman, kwentong balbal, kaepalan sa buhay, at kung anu-ano pa.

si JOSE, pilipino, manunulat, a.k.a JOHN
 sa totoo lang naging paborito kong guro noon si Titser Casuga, kasi kahit alam ko hindi ako ganun kagaling sa kung anek-anek na task na binibigay nya, nagawa pa rin nyang magtiwala sakin. Ewan ko nga e hindi ko nagiging kaclose ung mga titser ko pero ung mga ST (student teacher) nagiging kaclose ko, pwera lang sa math. shh
nauso pa nga noon kung ano ang pwedeng itawag sa mga sikat naming guro.. Merong si Kingkong, Golem, epal, shuktong at kung ano-anu. Ang sarap nga gawing pelikula, kumpleto ang characters! papatok!

at habang naglelesson sa math akala mo e nagsosolb, yun pala nag-SOS at rubiks kyub. Naging journalist, web designer, scientist pa nga ko noon, kaya hindi ko alam kung ano ung kukunin kong course hanngang mapunta ako sa HOTEL AND RESTAWRAN MANAGEMENT. Na lubos na malapit sa lahat ng naging identity ko noong hunger years ay este younger years. 
Pero aminin ko man o hindi..(eto na nga e inamin ko na)
lahat yun may partner ako, at hindi rin pinalad sa ilang organisasyon na dapat may naiwan man lamang akong kaunting bakas. (oh ang drama ang drama kaatsar)

3rd year and 4th year ko lang naintindihan ang salitang akda at hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga tekstong ekspositori, narativ, persweysiv, informativ at kung anu-anong tivs.. kahit anu pa man un
   
itutuloy muli...


  

No comments:

Post a Comment