Sunday, October 14, 2012

MAIKLING KWENTO: PULANG G LINER



Alam mo ba iyong kakasampa pa lamang sa tarangkahan ng aming paaralan ay idineklara na ng aking kaklaseng laging bukas ang presensya kapag sinabing wala ang propesor? Kamag-aral este kamag-pasok  na  halos magsisigaw sa tuwa, samantalang ako… dismayado, basa ng pawis, nakalimutan ang panyo ay pinagpatuloy ang paglalakad patungong silid-aralan upang pumirma sa attendance sheet – ang  pangunahing papel na kinasasabikang sulatan ng mag-aaral este mag-papasok sa eskwelahan.  Ako nga pala si Beatrice.
Maingay sa gawing kanan . Pabulong kong kinakausap ang aking sarili. baka may event na naman
“Haay, di na naman magpapauwi to, for sure, sasabihin required” inuusisa ko kung maganda ba ang palabas sa entabladong inihanda nila… 
“Engrande ang pagkakaayos, hmm siguro mga HRM students ang nag-ayos” may sumingit na nakaka-inlab na boses
Napawi ang atensyon ko sa magulong event sa iskul, napatingin ako sa magandang mukha ng isang binatang ito… Sino sya? Nawala ako sa realidad ng ilang sandali.
“Ay pasensya na, singit ako ng singit sa pag-iisip mo.. ako nga pala si Stephen”
“Ah.. eh Beatrice, bea.. for short” sabay ngiti ng pagkakilanlan
“Anong meron Stephen? “
“ Hindi ko alam, ang gusto ko lang umalis dito sa iskul, gusto kong gumala”
Muntik ko ng makalimutan ang attendance, “Sige Stephen, mag-aattendance pa ko eh, salamat”
Nakita ko ang pagkagulat na itsura ni Stephen. May nasabi ba akong mali? Bakit ganuon na lamang ang kanyang pahuling usap sa akin?
Lumabas ako ng campus, sayang ang bente peso na pamasahe sa sandaang pisong bigay ng erpats ko.
Nag-aabang ako ng bus sa may kanto, sa 7 eleven tapat ng ABE, naruon kasi ang sakayan, papuntang SM Manila. Gagala muna ako.. a la una y media pa lang naman. Mausok ang paligid halos lahat ng tumatawid ay nakatakip ang bibig. Ayaw mausukan. Ayaw mapawisan. Naisip ko lang Private school eh, 150 baon.
Pinara ko ang isang G Liner na may sign board na QUIAPO, sumakay ako. Bahagyang siksikan. Naghanap ako ng puwestong maari kong upuan. Lahat ng tao’y titingin sa’yo na parang may ginawa kang krimen, ito ang eksena ko kapag laging sasakay ako sa kahit anong pampublikong sasakyan.
Paandar na sana ang bus nang biglang bumukas uli ang pinto.
“Init grabe… “
Si Stephen!
Nagsimula na pa lang umandar ang sinasakyan namin ng hindi ko nararamdaman, nakuha na naman nya ang atensyon ko ng di ko namamalayan. Papalapit siya patungo sa kinauupuan ko, mapula kaya ang mukha ko? Pakiramdam ko’y nag-iinit ito. Hala nakakahiya.
“Uy bea! Ikaw pala yan saan punta mo?”
“Sa SM.. “
“aah, ano gagawin mo dun?”
“waley lang, pasyal lang”
“gusto mo samahan kita?”
“hmm, sige..”bahagyang uminit na naman ang pisngi ko.
           Lumingon ako sa aking katabi, isang matandang babae, balot na balot ng blusa at may nakapatong na jacket. Tipikal na makikita mo, maraming bag na dala at may hawak na rosary sa kanang kamay.
“Lola? Ok lang ho ba kayo?”
“Ayos lang ako…  Nakakaramdam lang ako ng pagod”
“Saan ho ba kayo bababa?”
“Duon pa sa Quiapo.. ako’y magtitinda ng mga rosary,  brown scapular, ayon.. pasensya ka na gusto ko muna ipahinga ang lalamunan ko’t mahalang ang nakain kong mani”
            Di ko masyadong naintindihan ang sinabi ng matanda sapagkat napukaw ang atensyon ko sa paparating na konduktor at sa kalansing ng mga barya sa kanyang mga palad. Lalo pang umingay dahil sa lakas ng chismisan ng tatlong babae at isang binabae na kung saan ay na-ispatan ang isang binatilyong taga-FEU, patusok ang buhok bagay na pag may nalaglag na butiki… PATAY!
Sa gawing harapan nama’y mga construction worker, paano ko nalaman? Dahil sa bakas ng sementong namumuo sa dirty white nitong damit, at nakaback pack na diesel kulay camouflage.
“Ha? Ano yun lola?”
“Nye tulog na… di mo man lang napansin?” Narinig ko ang mapagbirong tinig ni Stephen
“Ah..” bahagyang nakangiti ang aking labi.
            Bumaba ang karamihan sa may papuntang recto, lumuwag ang espasyo ng bus, lumipat kami sa kabilang pwesto na pandalawahang upuan, duon ako sa malapit sa bintana sapagkat ang pakiramdam ko ay protektado ako at walang masyadong pumapansin. Isa kasi akong introvert ngayon lang ako nagging palagay sa lalaki – kay Stephen. Nang anu-ano’y…
EEEEEkkkkkkk! Nag-preno ng pagkalakas lakas, ramdam mo ang pwersa upang mapigilan ni manong drayber ang aksidente, kinabahan ako, nahihilo… nauntog ang ulo ko sa salamin.
“bea? Bea… bea..” may naririnig akong tinig, si Stephen!
“araaay.. ang sakit ng ulo ko, magkakabukol ata ko” nanghihina ako habang binibigkas ko ito, masakit.
“sige, hihilutin ko..” noong mga sandaling iyon, nahawakan ni Stephen ang buhok ko, ako’y nahiya bagama’t gusto ko din ito.
“hmm, ayos na” hindi ko alam kung namumula na ba ako o hindi. Nakakahiya!
Malapit na rin naman kami sa aming destinasyon, huminto ng mahinahon ang bus at tumingin ako sa kasasakay na pasahero… Nakasumbrero, naka-jacket na denim blue at may balbas. Umupo ito sa harapan. Napansin kong tumingin samin ito at ngumiti. Ako’y muling nahiya pagkat baka akala nitong manong na ito ay KAMI ng lalaking katabi ko ngayon.
“Malapit na tayong bumaba.”nakangiting sabi sa akin ni Stephen
“Ano nga pala ang course mo Stephen?”
“HRM”
Ah kaya pala pinuri nya kanina yung stage.. hmmp. Segwey
“eh ikaw?”Tugon pa uli ni Stephen
“ComSci”
“Uy… halos lalaki nag-eenrol nyan ah, ingat ka sabihin mo sa akin pag may loko-lokong umaaligid sayo”
Anong ibig sabihin ni Stephen dun?
“Ahm Stephen, may girlfriend ka? Baka naman magalit un kasi kasama mo ko”
“wala, strict ang parents”  Pabirong sagot ni Stephen halata mong may lihim na pagtawa ito, marahil pinagtatawanan na ko ng lokong ito.
“ikaw?”
“Uhm? Girlfriend?” Windang kong tanong
“HAHAHAHAHA! Hindi! Boyfriend syempre, niloloko mo ba ko?”  Halos pagtinginan na kami sa lakas ng tawa nya. Tinakpan ko ang bibig nya.
“sssssh! Wala! Ang ingay mo naman tumawa eh”
“patawa ka kasi eh.. buti naman wala ka boyfriend” Habang pinipigilan nya ang palabas na nyang pagtawa
Ano na naman ang ibig nyang sabihin dun?
Pinagpapawisan ako marahil mahina iyong aircon o di kaya sa huling katagang binitiwan ni Stephen. Sobrang init. Napatingin ako kay Stephen… Namumutla ito at pawis na din.
“Stephen? Ano nangyayari sayo?
“May asthma ako, pakikuha sa bag ko, bulsa sa may unahan yung gamut ko” Bahagyang humahangos ang kanyang hininga. Natataranta ako.
“Eto ba?”
“oo, ipasok mo sa bibig ko tapos ipress mo yung itaas”
            Ipinasok ko ang gamot sa bibig nya isang bagay na pag itinulak mo ang maliit na botelya sa taas ang maglalabas ng hangin na maaring magpagaan ng kanyang pakiramdam.
“Ok ka na ba?”
“Oo, salamat Bea” niyakap nya ko. Nagulat ako bakit may ibang klaseng kaba ang nararamdaman ko. Masaya ay hindi.. Masayang masaya ako.
Pababa na kami ng bus hinawakan nya ng kamay ko nakatingin ako sa dinadaanan ko sa ibaba. Nang biglang nagsigawan at may isang malaking boses na nagsabi na HOLDAP TO! Mahigpit ang pagkakapit sa akin ni Stephen. Nararamdaman kong parang may nilalabanan siya. Tinulak nya ko papunta sa isang upuan. Nakapikit ako at tinakpan ang tenga ko.
Nagsigawan ang lahat, tumili at nag-iiyakan.. pag dilat ko may dugo sa paligid ko, ang luntian bus na ito… nabalot na ng pulang dugo.
-END-

Ito ang aking lahok para sa SARANGGOLA BLOG AWARDS




Saturday, July 21, 2012

lost love

Whenever I see you,
Whenever you smile for me
Little by little,
My feelings for you grew
When I think of you now,
When I picture you,
my beating heart doesn’t know how to stop
I can’t hide my feelings anymore
I want to give it all to you
I’m always close to you (next to you)
Can’t I love you?
This heart that wants to protect you more than anyone else,
Can you accept it?
To be the one that’s in your heart (in your heart),
Can’t I be that?
To be the most important person in your life,
Is what I want to be,
so quickly take my heart.
everyday, because of my growing love for you
For the entire day,
I really can’t do anything at all.
Now its no secret
that my heart is filled with love for you
I’m always close to you (next to you)
Can’t I love you?
This heart that wants to protect you more than anyone else,
Can you accept it?
To be the one that’s in your heart (in your heart),
Can’t I be that?
To be the most important person in your life,
Is what I want to be,
so quickly take my heart.
Please tell me now
that you know how I feel
I’m always close to you (next to you)
Can’t I love you?
This heart that wants to protect you more than anyone else,
Can you accept it?
To be the one that’s in your heart (in your heart),
Can’t I be that?
To be the most important person in your life,
Is what I want to be,
so quickly take my heart.
Please understand my heart

Saturday, May 28, 2011

twin.tie.sticks


I'm only up when you're not down
Don't wanna fly if you're still on the ground
It's like no matter what i do

Well you drive me crazy half the time
The other half i'm only trying
To let you know that what i feel is true
And i'm only me when i'm with you

Friday, May 27, 2011

Kalapating mababa ang lipag: Si Mirasol (Pahina 3)

Kwento ni Mirasol:

" Ang totoo kong pakay sa Maynila ay makapag-aral sa isang Unibersidad ng sa gayon ay matulungan ko ang aking pamilya. Noong una'y maganda ang naging buhay ko, ngunit hindi ako makatanggi sa mabibisyo kong mga barkada, kung saan saan ko nagagastos ang buwan-buwang sustento sakin ng aking magulang na halos magutom at makuba na sila sa pagkayod... Alak, Sigarilyo, weeds, bato. Dumating din sa puntong tumigil ng pag-aaral si Jun Jun, dahil sa akin. Naibenta na pala nila lahat ng kabuhayan, mga hayop at lupa. Natauhan ako, bigla kong naisip ang mararamdaman ng aking ina at ama na alam kong di malaman ang gagawin kapag iyon ay nalaman. Kaya nagsikap ako, nagtrabaho kahit di ako makatapos ngunit pipilitin ko kung makakaipon ng sapat. Halos lahat ng makukuha kong sobra sa aking bayad, ay ibinibigay ko sa pamilya ko. Kelan ko kaya mapagtatapat na tumigil na ako sa pag-aaral? Natatakot akong makita sila na dismayado sa kalagayan ko ngayon.. hay. "




 "Mira.. Ikaw na sunod, galingan mo ah! Madami tayong costumer"...Manager
 "opo.."...Mirasol




 Lumabas si Mirasol na may Tabon Tabon ang kanyang buong katawan. Aminado syang nakakahiya ang kanyang trabaho. Isang nagbibigay aliw, init, panadaliaang ligaya sa lalaki, isang pu*a. Paglabas nya sa tanghalan ay unti-unti nyang hinubad ang madilim na katotohanan.


 "Wooh! Alisin mo na yan!"
 "Take it off!"
 "Wooh"


Halos mabingi sya sa nakakaasiwang tinig ng uhaw na mga lalaki. Gusto na nyang umalis ngunit hindi maari dahil nakatingin sa kanya ang may-ari ng cabaret, na kapag umalis sya dun ay di na sya makakabalik. Natatakot syang mawalan din ng Trabaho, kaya sige ang giling nya. Nagpaikot-ikot sa poste, nagpagulong gulong. Nang biglang..




 "Mirasol!"




 Itutuloy..

Monday, May 23, 2011


My wish, for you, is that this life becomes all that you want it to,
Your dreams stay big, and your worries stay small,
You never need to carry more than you can hold,
And while you're out there getting where you're getting to,
I hope you know somebody loves you, and wants the same things too,
Yeah, this, is my wish.

Monday, May 2, 2011

i think..


Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you I had no control over.




Wednesday, April 27, 2011

Kalapating Mababa ang Lipad: Ang Kamunduhan

Biglang sumikip ang dibdib ni Mang Yalong, dahilan kung bakit sya'y tumumba sa kinauupuan..

  "Ay naku! ang majonda! Mga Atech!!"...bugaw
  "Painomin nyo yan basahan na iyan, ayaw ko iskandalo bar ko. Mga inutil na Pilipino! Hala sige"...May-aring Tsino (Paki-aplay na lang ang aksent ng Chinese kapag nananagalog)
  "Sir, Ma'am ok na ho, pwede na ho kayong bumalik sa kinauupuan nyo."...Bouncer
  "Ay naku seerr! I will (ano bang english nun?) uhm, ahh let's go to room where.. uhm there are joys and heaven.."...Prostitute
  "ha? ano?.."...Mang Yalong (nanlalabo ang paningin)



 Hindi namalayan ni mang yalong na syang nasa loob na ng isang lugar aliwan ng mga pumuntang lalaki sa Cabaret na tinatawag ng Tsinong may-ari na isa daw "BAR"
 Nang naimulat nya ang kanyang mata. Nagulat sya sa kanyang nakita isang babaeng nagbuburles na halos wala ng natatakpan at ang nakakapag-bigay dignidad na lamang sa kanya ay ang malinis na pag-iisip ni Mang Yalong at ang madilim na aninong gawa ng Malamlam na kulay ng ilaw.


 Halos pigilan ni Mang Yalong ang nagbabaga nyang makiramdam, na halos tinatapakan ang kanyang pagkalalaki ng hubad na Dalaga, Dalaga nga bang maituturing ang babaeng iba-iba ang kasiping at hindi mo malaman kung ilang pampalaglag ng bata ang kanyang ininum na parang nagpupurga lamang ng duming naipon sa tyan. Dumi ng mga lalaking kanyang naisiping dahilan na rin sa mga kamunduhan at dala ng init ng katawan. Sa murang edad na Labing Apa't na taong gulang ay naging alipin na ng inip at hirap sa buhay upang makaraos. At hindi na mawari kung sino ang dapat sisihin.. Sino nga ba ang dapat sisihin?


 ....


  Ngunit sa mga oras na iyong hindi na nagawa pang pigilan ng dalawa ang kanilang mga init. Hindi na..
  HIndi na naisip ni Mang Yalong na paano kung ang anak nyang si Mirasol ang nilalamon ng kamunduhan tulad ng ginagawa nya sa babaeng patong-patong nya. Nakalimutan na nya ang sulat... sulat na nakahandusay sa sahig. 


  Nilamon na rin ang inosente nyang pag-iisip?
....


    Sya'y napagod.. nakatulog.. at tila walang rason upang bumangon sa mainit na papag.


zzzzZZZzz


 "Pasensya na Ser, kelangan ko ng pera kaya kukunin ko ung, ahmm (habang kinakalikot ang pitaka ng Matanda).. Anak ng! 500?? hay naku! Kesa sa wala"...prostitute
"Makaalis na nga, wala na namang mahihita, bigyan ko nga ng isang daan, mukang wala ng pera to! Punyeta.. Kung hindi lang ako mabait"




 itutuloy...


Sunday, April 24, 2011

Kalapating mababa ang lipad. By: SMCS

Sa isang malaking bulletin board: BODY FLUIDS

   Tila napaisip si Mang Yalong kung ano ang ibig sabihin nito. Bagama't sya'y nakakaintindi ng kaunting ingles, ang inakala nyang isa lamang itong tindahan ng maiinom dahil na rin sa salitang "fluids." Ngunit sa kanyang inosenteng mga tingin ay tila manghang-mangha sa makukulay na ilaw na patay-sindi at sa bawat kislap nito'y nag-iiba ang kulay. Ngunit ang kanya lamang sana na nais ay mahanap ang kanyang Dalagang anak na si MIRASOL na nag-aaral sa Maynila.

     "sir, psst.. Gusto nyo ba ng bata?" sabi ng bugaw
     "ay.. utoy, ang nais ko sana'y inumin hindi bata. Ako'y may anak na."wika ni Mang Yalong. Na tila hindi pa rin maintindihan ang punto ng bugaw
     "ay sir! Hindi po ako utoy, may patutoy pero hindi. Babae ako. Atsaka madaming dumadayong uhaw dyan... Uhaw na uhaw (sa kalibugan)"...Bugaw. Na tinatago ang kanyang pagkatao gamit ang packaging tape
     "Ha? Ano ngani ang sinabi mo?"...Mang Yalong
     "ay wala po, gora na! Wa na pachurva pa"...Bugaw


  Hindi na nagawang mapahinto ang kuryosidad ni Mang Yalong, dahil bago lamang sya sa tinitingalang lugar ng maraming probinsyano, na ang tanging hiling lamang ay makakita ng nagtataasang gusali. Liban ngalang sa kanilang paniniwala ang nakakasulasok at nakakdismayang pangyayari sa estero ng nagtataasang bente sinkong palapag na gusali.


  Pag pasok ni Mang Yalong siya'y nagulantang sa napakalakas na tunog ni:
JUSTIN BEIBER
BRUNO MARS
JESSIE J
LADY GAGA
KATY PERRY
B.O.B
♫...Beybe beybe beybe, oww layk beybe beybe beybe oww...♫


    Halos mabago na ang kanyang GENRE dahilan na rin sa nakikisabay ang kanyang pagiging inosente sa bawat yugyug ng mga ulo ng mga narorooon.

   alas nuebe pa lamang iyon ng gabi. Masyado pang maaga para sa mahilig gumimik..

Pinaupo ng Bugaw si Mang Yalong kung saan mataimtim nyang binabasa ang sulat ng kanyang anak...


Mahal kong itay,


    Pasensya na ho kayo kung ngayon lamang ako napasulat sa inyo, marahil ay ubod ng rami nga lang ho akong proyekto at mga assignment na ginagawa, ang assignment po ay iyong pinapagawa ng guro sa bahay.

  Sya nga pala ho itay, Sana po ay mabuti kayo dyan ni Nanay... Sana po ay hindi kayo napaano dyan ni inay. Kamusta po si Jun Jun? Pumapasok na po ba? Sabihin nyo po sakin kung kelangan nyo ng pera upang pagpapa-aral sa kanya, ako po ay nakaluwag luwag na dahil ako po ay may trabaho na at malaki po ang kita dahil Opisina po iyon.

  Mahal na Mahal ko po kayo itay.. alagaan nyo po yung TV na pinadala ko at ung psp ni JUN JUN pakisabi pong wag sirain at iyon ay mahal. Salamat naman po ay nakakaraos rin po rito. Matataas naman po ang marka ko marami po akong UNO.

  Alagaan nyo po ang sarili nyo.


Nagmamahal,
Mirasol


Muling tumulo ang luha ni Mang Yalong.


itutuloy... 

Thursday, April 7, 2011

Sino nga ba?

UTOT! UTOT! ang sabi ng puwet,


Anak ng Jueteng naman! ambahoo!... Yan ang palagi mong maririnig sa kahit anong espasyo na pwedeng maamoy ang nakakasulasok na hangin na nanggagaling sa gluteus maximus (naks! eng-lis) ay este gluteus medius ( nakorek pa ko ng nurse)
ngunit sino nga ba ang may pakana nito? simpleng tanong ngunit hirap masagot.


    kung babalikan mo ang mga panahong nasa paaralan ka at ito, as in ito ang isa sa pinakamahirap na tanung na maisusumbat sa'yo kahit hindi ikaw ang may sala... sabi pa ng mga eksperto daw sa pagkilatis kung sino nga ba? ang may pakana... ito ang ilang kategorya na sya nga ang may sala:


1. Sya ang unang nagreact, tapos wala pa naman ung amoy. huli!
2. Pangalawa, sakit-sakitan "May sipon ako e"
3. Denial-effect, aba, malay ko! hindi ako ah, kung makapanglait ka ah! kapal mo... kapal...
4. pag inaangat nya ang kanyang pwetan upang mailabas ang nakaka-adik na amoy
5 pag humawak sya sayo o kahit saang matigas ng parang may higpit upang pigilan ang dapat pigilan. at sasabihing, tol, wala I'm just you know.. hehe.
6. Kapag ang lakas mag-chewing gum ng ilang oras, hindi nya alam punong-puno na ng hangin ang tyan nya.. Buset! at aalukin ka pa ng you want some? it's chewy..
7. Kapag ang lumabas na amoy sa kanyang *tutut ay kahalintulad ng kinain nya kaninang recess or umaga... (syyeet! pano kapag durian.. wala na ang PILIPINAS 3000)


isipin mo para kayong nasa Husgado sa kaka-akusa kung sino nga ba?


meron tayong..
    
  susmeyong suspek
     judge
      mga saksi
         mga second demotions 
          at ang mga useserong tanga


suspek- yan yung mga nagawa ang ilang makapigil hiningang kategorya (ung nasa taas)
judge- yan ung tagalitis, minsan yan ung presidente ng klas o kaya ung pinakamatalino... ung ultimo kabet ng nanay ng katabi ng katabi mo ay alam nya.
mga saksi- eto ung mga seatmate syempre
2nd demotions- to naman ung mga nagkukunwaring may alam, kadalasang tulog o walang tapos kapag may naiboto tsaka lang magtataas bg kamay..
at ang mga useserong tanga- eto naman yung kapag may nangyari aba'y ang bilis maglabasan, pero sa recitation tagong-tago.




ilang beses na kong nakakakita at eksperyensa ng mga kasong ganito...
 noon una pa nga'y isa rin ako sa mga naging suspek... malay ko ba na parehas kami ng kinain ng isa pang naging suspek..


   I just keep myself in silence... (wow parang totoo)




     masyadong nakakabuset kapag nakakasira ng araw ang nakakasulasok na amoy. Lalo na sa isang mainit na lugar at singkwenta kayong mga estudyante na nagsisiksikan sa silid aralan ng isang public iskul, at makakaamoy kayo ng ganun sabay ngiti pa ng katabi mong may aaaangheet! owww siiiyeet! Kawawang ilong hindi na malaman ang paglalagyan.


hindi mo naman masabi, 
"Uy pre hayaan mo naman akong makahinga, 5 seconds lang, gusto ko pa ng life maawa ka naman"

 eto lang masasabi ko.. (FART)

   " Andyan na, Andyan na hindi pa makita "


Sa mga taong patuloy na gumagawa nito...

" Kung hindi ka ngayon magsasalita? Kelan pa? "



-end- 








noong unang panahon: ang literaturang Lintek!

Pag-Ibig 
ni Jose Corazon De Jesus

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!
Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;
pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . .  naglalaho,
layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,
parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiiman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,
walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag ibig na matapang ay puso ang inaanod
pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan
iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,
pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,
umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa.
Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha
at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag,
ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulakiak.
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,
o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid.
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,
at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

 noong mga panahong nasa Third year highschool ako, where I'm having one of the best years of my life kung saan proud sakin mga magulang ko at ilang kapinsanan dahil naging mataas ang aking rank sa iskul. Ngunit siguro hindi ako pinalad noong forth year at ang dami pang nangyari, naging thankful pa rin ako dahil binigyan ako ng pagkakataon upang maramdaman ang samu't saring kaalaman, kwentong balbal, kaepalan sa buhay, at kung anu-ano pa.

si JOSE, pilipino, manunulat, a.k.a JOHN
 sa totoo lang naging paborito kong guro noon si Titser Casuga, kasi kahit alam ko hindi ako ganun kagaling sa kung anek-anek na task na binibigay nya, nagawa pa rin nyang magtiwala sakin. Ewan ko nga e hindi ko nagiging kaclose ung mga titser ko pero ung mga ST (student teacher) nagiging kaclose ko, pwera lang sa math. shh
nauso pa nga noon kung ano ang pwedeng itawag sa mga sikat naming guro.. Merong si Kingkong, Golem, epal, shuktong at kung ano-anu. Ang sarap nga gawing pelikula, kumpleto ang characters! papatok!

at habang naglelesson sa math akala mo e nagsosolb, yun pala nag-SOS at rubiks kyub. Naging journalist, web designer, scientist pa nga ko noon, kaya hindi ko alam kung ano ung kukunin kong course hanngang mapunta ako sa HOTEL AND RESTAWRAN MANAGEMENT. Na lubos na malapit sa lahat ng naging identity ko noong hunger years ay este younger years. 
Pero aminin ko man o hindi..(eto na nga e inamin ko na)
lahat yun may partner ako, at hindi rin pinalad sa ilang organisasyon na dapat may naiwan man lamang akong kaunting bakas. (oh ang drama ang drama kaatsar)

3rd year and 4th year ko lang naintindihan ang salitang akda at hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga tekstong ekspositori, narativ, persweysiv, informativ at kung anu-anong tivs.. kahit anu pa man un
   
itutuloy muli...